^

Bansa

11,000 kaso ng dengue naitala ng DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
11,000 kaso ng dengue naitala ng DOH
Personal na ininspeksyon ni DOH Secretary Francisco Duque ang dengue fast lane kung saan binisita rin niya ang mga batang na-admit sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City na sinasabing nabakunahan ng Dengvaxia para ma-check ang kanilang kondisyon matapos na makaranas ng lagnat.
(Kuha ni Michael Varcas)

Sa Ilocos Region, tumaas ng 121%

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahi­git 10,000 kaso ng Dengue ang naitala ng Department of Health (DOH) sa unang anim na linggo ng taon.

Batay sa  Disease Surveillance Report ng DOH, mula nitong Enero 1-Pebrero 10, pumalo na sa 10,980 ang nagkakasakit ng dengue sa buong bansa habang nasa 50 naman ang namatay.

Gayunman, sinabi ng DOH na mas mababa ito ng 41.38 porsyento kumpara sa mga naitalang kaso ng dengue noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Ayon sa rekord ng DOH, bumaba ang mga kaso ng dengue sa buong bansa maliban sa mga lugar ng Ilocos Region kung saan tumaas ng 121 porsyento, Cordillera Administrative Region o CAR na tumaas ng 55 porsyento at Calabarzon na 25 porsiyento.

Maliban dito, karamihan din sa mga naitalang kaso ay mula sa mga lugar kung saan isinagawa ang anti-dengue vaccination program ng pamahalaan.

Nakapagtala na ng mahigit 2,500 kaso ng dengue sa Calabarzon, mahigit 1,900 sa Central Luzon at mahigit 1,800 naman sa National Capital Region o NCR.

DENGUE

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with