^

Bansa

‘Bukas Bagahe’ iimbestigahan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
âBukas Bagaheâ iimbestigahan ng Senado

Sa kanyang Senate Resolution 644, sinabi ni Poe na nakakabahala ang mga ulat mula mismo sa mga pasahero na nabuksan ang kanilang mga bagahe ng ilang tiwaling empleyado ng paliparan. Rudy Santos

MANILA, Philippines — Balak imbestigahan ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe ang mga insidente ng “bukas bagahe” sa loob ng mga paliparan sa bansa kung saan nalalagay sa alanganin ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.

Sa kanyang Senate Resolution 644, sinabi ni Poe na nakakabahala ang mga ulat mula mismo sa mga pasahero na nabuksan ang kanilang mga bagahe ng ilang tiwaling empleyado ng paliparan.

Naniniwala si Poe na kung hindi masasawata ang nasabing iligal na gawain ay magsisilbi itong malaking banta sa seguridad at maaaring maging dahilan para mawalan ng kumpiyansa ang mga potensiyal na mga turista at investors sa Pilipinas.

Mahalaga rin aniyang mabigyan ng proteksiyon ng gobyerno lalo na ang mga overseas Filipino workers na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa pero nananakawan pagda­ting sa mga paliparan.

Matatandaan na mismong ang Pangulo ang nag-utos na tapusin ang kontrata ng aviation service provider na Miascor dahil sa insidente ng pagnanakaw sa luggage ng isang pasahero sa Clark International Airport sa Pampanga noong nakaraang Enero 18.

Anim na empleyado ng Miascor na nakatalaga sa Clark airport ang tinanggal sa trabaho at nahaharap sa kasong administratibo dahil sa insidente.

Sa kabila ng naging utos ng Pangulo, hindi pa rin natigil ang nakawan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos isang bagong kaso ang naiulat noong Pebrero 9. Isang OFW na nagnga­ngalang Ramon Segarra ang nagreklamo na nasira ang lock at zipper ng kanyag luggage at may mga nawalang gamit sa loob.

Ilang mga naging biktima rin ng “bukas bagahe” ang hindi na lamang nag-report at piniling ipakalat sa social media ang kanilang masaklap na karanasan.

vuukle comment

BUKAS BAGAHE

SEN. GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with