12 dolphins na napadpad sa Manila Bay nasagip

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga miyembro ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Maritime Group ng Philippine National Police ang 12 dolphins na napadpad sa Manila Bay nitong Miyerkules.

Sinabi ni Maritime police director Chief Superintendent Rodelio Jocson na nakatanggap siya ng impormasyon mula sa isang mangingisda ukol sa mga dolphins na na-stranded malapit sa paligid ng SM Mall of Asia at Solaire Resort and Casino bandang alas-6 ng umaga.

Para kay BFAR information officer Anna Conant, naistranded ang mga dolphins dahil posibleng naakit ang mga ito sa pangkat ng mga isda o kung hindi naman ay sila’y naistorbo dahil sa ingay ng mga barko.

“The dolphins were probably attracted with the schools of fish in the area, which is near a spawning ground of herring (tamban). Another possible reason is that the dolphins got lost because of the noise coming from the ships,” wika ni Conant.

Dagdag ni Conant na napapadpad ang mga dolphins at balyena sa dalampasigan kapag sila’y may sakit o sugatan.

Ayon pa sa BFAR response team na mukha namang malusog at walang tanda ng anumang karamdaman ang mga dolphins.

Sinabi naman ni Mundita Lim, director of the Department of Environment and Natural Resources Biodiversity Management Bureau, na posibleng naghahanap ng pagkain ang mga dolphins kaya sila napadpad sa lawa.

Binigyang-diin din niya na kailangan ang organisado at maayos na mga rescue operations sa mga nai-stranded na dolphins upang hindi aniya sila matakot.

“Only experts can bring them back to the seas,” sambit ni Lim.

Samantala, nakabalik sa dagat ang mga dolphins bandang 11:30 am sa tulong na rin ng magkasamang puwersa ng BFAR at ng kapulisan.

Show comments