13 justices na nagpa-‘indefinite leave’ kay Sereno pinangalanan
MANILA, Philippines — Inilabas ng Korte Suprema ang pangalan ng 13 mahistrado na pumirma para mag-indefinite leave si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Kabilang dito sina Associate Justices Doisdado Peralta, Mariano del Castillo, Marivic Leonen, Alfredo Benjamin Caguiao, Noel Tijam, Alexander Gesmundo, Lucas Bersamin, Estela Perlas Bernabe, Francis Jardeleza, Samuel Martires at Andres Reyes Jr.
Matatandaang sina Sereno, Leonen, Caguiao at Jardeleza ay appointed ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Habang sina Justice Matires, Tijam, Reyes Jr.at Gesmundo ay appointed naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nalalabi pang mga justices na sina Peralta del Castillo Bersamin, Perlas-Bernabe at Velasco Jr. ay apointed naman ni dating pangulong Gloria Arroyo.
Base sa inilabas na kalatas ng court en banc at ni Assistant Court Administrator chief, PIO Atty. Thedore Te, uupo bilang acting Chief Justice si Senior Associate Justice Antonio Carpio habang naka-indefinite leave si Sereno.
- Latest