^

Bansa

No ID, no entry sa mga kumpanyang hindi nagbabayad ng hangar fees

Gemma Garcia, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
No ID, no entry sa mga kumpanyang hindi nagbabayad ng hangar fees

Ayon kay Alvarez, pag walang ID ay tuluyang hindi makakapasok sa MIAA ang mga delinquent companies na hindi nagbabayad ng hangar fees. Boy Santos

MANILA, Philippines — Hindi na pinapaisyuhan ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Manila International Airport Authority (MIAA) ng identification card o ID ang mga kumpanya na hindi nagbabayad ng renta sa hangar o paradahan ng maliliit na eroplano.

Ayon kay Alvarez, pag walang ID ay tuluyang hindi makakapasok sa MIAA ang mga delinquent companies na hindi nagbabayad ng hangar fees.

Ibinaba ni Speaker ang kautusan matapos na aminin ni MIAA Gene­ral Manager Eddie Monreal na nasa P100M ang utang na renta ng ilang kumpanya sa paggamit ng hangar.

Giit ni Monreal, sa kabila ng pagiging delinquent sa pagbabayad ng renta sa hangar ay patuloy pa rin na nakakapag-ope­rate ang ilang kumpanya.

Siniguro naman ni Monreal na susundin nila ang direktiba ni Alvarez.

Kaugnay nito, inatasan din ni Alvarez ang MIAA na maghanda ng engineering plan para sa posibilidad ng gaga­wing extension ng Terminal 2.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with