Pekeng balita, maling impormasyon bagong kalaban ng People Power – Bam
![Pekeng balita, maling impormasyon bagong kalaban ng People Power â Bam](https://media.philstar.com/images/articles/social-media_2018-02-23_13-38-46.jpg)
MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1, nanawagan si Sen. Bam Aquino sa taumbayan na buhayin ang diwa ng People Power sa pamamagitan ng pagsasalita laban sa bashers, pekeng balita, mga kontrobersiya sa pamahalaan at mga isyung nakaaapekto sa bayan.
“Kung dati, tangke ang karahap natin sa EDSA, ang kalaban natin ngayon ay mga nagpapakalat ng pekeng balita at trolls sa social media,” wika ni Aquino sa isang panayam sa telebisyon kahapon.
“Kailangan natin mahanap ang ating boses. Magsalita tayo at makilahok tayo sa mga nangyayari sa ating bayan, lalo na kapag may nakikita tayong mali,” dagdag niya.
Iginiit ni senador na ang laban sa kasalukuyan ay iba sa tagumpay na nakamit ng mga Pilipino 32 taon na ang nakalipas, ngunit pareho pa rin ang mga prinsipyong ipinaglalaban.
“Ipagdiwang natin ang EDSA at alalahanin ang mga ipinaglaban noon – wakasan ang korupsyon, patibayin ang malayang media, at itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino,” sabi ng Aquino.
“Beyond politics, beyond political colors, beyond political parties, EDSA People Power is about fighting dictatorship and the restoration of democracy in our country,” dagdag pa ng senador.
Sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon, sinabi ni Aquino na nakita ng buong mundo ang napakagandang imahe ng mga Pilipino.
“Let’s celebrate People Power this year by being the best, most courageous and most compassionate versions of ourselves.”
- Latest