NFA rice mananatili sa P27 kada kilo

MANILA, Philippines — Hindi magbabago at mananatili sa P27 kada kilo ang ibinebentang bigas ng National Food Authority (NFA) para sa regular-milled rice (RMR) at 32 kada kilo ng well-milled rice (WMR) .

Ito ay ayon kay NFA administrator Jason Aquino, upang mapanatili ang food security at stabilization functions ng ahensiya para sa mamamayan.

“In the midst of confusing issues about the supply and prices of rice in our country today, we would like to assure the public, especially the 10 million Filipinos regularly consuming NFA rice, that we are doing our best to maintain our P27/kg and P32/kg rice in the market,” pahayag ni Aquino.

Binigyang diin ni Aquino na walang plano ang NFA na mabago ang halaga ng bentahan ng NFA rice sa bansa. Bago anya ito mangyari ay kailangang may ipalalabas na desisyon ang NFA council hinggil dito.

Naglinaw ang NFA sa halaga ng bentahan ng NFA rice nang ma-misquote umano si NFA spokesperson Rex Estoperez sa isang media interview na nagsa-bing kung tataas ang presyo ng commercial rice, may posibilidad umano na magkaroon ng pagbabago sa  presyo ng NFA rice.

Show comments