Pastor Quiboloy nakakulong sa Hawaii

MANILA, Philippines — Nakakulong ngayon si Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name leader Pastor Apollo Quiboloy sa Hawaii matapos mahulihan ng gun parts at mga pera sa kaniyang private jet.

Ayon sa ulat ng Hawaii News Now, umabot sa $350,000 halaga ng cash ang nakita sa eroplano na sinasakyan ni Quiboloy.

“Court documents say, they found tens of thousands of dollars in cash — all in $100 bills neatly folded and stuffed inside socks in a suitcase,” nakasaad sa ulat ng Hawaii News Now.

“Also found on the plane, parts to assemble military-style rifles, according to sources,” dagdag nila.

Tatlong dekada nang kaibigan ni Quiboloy si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagkakilala ang dalawa noong prosecutor pa si Duterte ng Davao City, habang binubuo pa lamang ni Quiboloy ang kaniyang simbahan.

Sinupotahan din ni Quiboloy ang kandidatura ni Duterte sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kaniyang eroplano at helicopter noong panahon ng kampanya.

Nanawagan din noon si Quiboloy ng dasal para kay Duterte para sa kaniyang pamumuno sa bansa.

 

Show comments