MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iglesia ni Cristo (INC) executive minister Eduardo Manalo bilang special envoy for overseas Filipino concerns.
Inilabas ngayong Miyerkules ang appointment paper ni Manalo na nilagdaan ni Duterte kahapon.
Uupuan ni Manalo ang nabakanteng pwesto ni Roy Cimaute na ginawang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.
Inendorso ng INC ang kandidatura ng noo’y Davao City Mayor Duterte sa 2016 national elections.