Ombudsman itinigil ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Duterte
MANILA, Philippines — Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinakita sa publiko ni Solicitor General Jose Calida ang liham sa kaniya ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang na ipinapaalam sa pagbabasura ng reklamo ni Trillanes.
"Please be informed that the investigation on the complaint entitled 'Antonio Trillanes IV v. Rodrigo Roa Duterte' and docketed...was already closed and terminated," nakasaad sa liham.
Ayon kay Calida, ibinasura ang reklamo laban sa pangulo dahil basura aniya ang ebidensya ni Trillanes.
Nito lamang ay inutos ng Palasyo ang tatlong buwang suspensyon ni Carandang dahil sa ilegal na paglalabas ng impormasyon sa umano’y bank transactions ng pamilyang Duterte.
Inireklamo ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng grave misconduct at grave dishonesty for misuse of confidential information and disclosing false information.
Nanindigan naman ang Ombudsman na hindi maaaring suspendihin ng Palasyo si Carandang.
Related video:
- Latest