^

Bansa

Ombudsman itinigil ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Duterte

Pilipino Star Ngayon
Ombudsman itinigil ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni Duterte

MANILA, Philippines — Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinakita sa publiko ni Solicitor General Jose Calida ang liham sa kaniya ni Overall Deputy Ombudsman  Melchor Carandang na ipinapaalam sa pagbabasura ng reklamo ni Trillanes.

"Please be informed that the investigation on the complaint entitled 'Antonio Trillanes IV v. Rodrigo Roa Duterte' and docketed...was already closed and terminated," nakasaad sa liham.


Ayon kay Calida, ibinasura ang reklamo laban sa pangulo dahil basura aniya ang ebidensya ni Trillanes.

Nito lamang ay inutos ng Palasyo ang tatlong buwang suspensyon ni Carandang dahil sa ilegal na paglalabas ng impormasyon sa umano’y bank transactions ng pamilyang Duterte.

Inireklamo ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng grave misconduct at grave dishonesty for misuse of confidential information and disclosing false information.

Nanindigan naman ang Ombudsman na hindi maaaring suspendihin ng Palasyo si Carandang.

Related video:

OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with