Mas murang bigas dadagsa sa Abril

Ito ayon kay National Food Authority (NFA) information officer Cynthia Suarez ay kung aaprubahan ang government-to-government (G2G) arrangement sa importasyon ng bigas para sa bansa. File

MANILA, Philippines — Dadagsa ang mas maraming suplay at mas murang bigas sa buwan ng Abril ngayong taon.

Ito ayon kay National Food Authority (NFA) information officer Cynthia Suarez ay kung aaprubahan ang government-to-government (G2G) arrangement sa importasyon ng bigas para sa bansa.

Anya, go-signal na lamang ang hinihintay para mai­patupad ang G2G system.

Binigyang diin ni Suarez na mas epektibo kung ipatutupad ang naturang sistema dahil bibilis ang importasyon ng bigas dahil dalawang bansa na ang magkausap hinggil sa rice import. May 45 araw lamang ang bibilangin sa prosesong ito.

Sa ngayon anya, government-to-private (G2P) scheme ang naipatutupad kayat nagkakaroon ng katagalan sa rice imports dahil sa dumadaan pa ito sa bidding at ilan pang mga reglamentos na kaila­ngang kumpletuhin alinsunod sa itinatakda ng RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act. Mas matagal ang proseso nito na inaabot ng mahigit apat na buwan.

Sinabi ni Suarez na ang G2G at G2P ang dalawang paraan na pinapayagan ng pamahalaan para sa pag-aangkat ng bigas.

Show comments