Duque lusot na sa CA
MANILA, Philippines — Nakalusot na kahapon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Health Secretary Francis Duque III matapos kumpirmahin ang kanyang ad interim appointment.
Hindi napigilan ni Duque na maging emosyonal dahil sa kinakaharap na problema ng ahensiya tungkol sa isyu ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Aminado rin si Duque na kailangang maibalik ang “glorious days” ng ahensiya na nahaharap ngayon sa problema ng anti-dengue vaccine.
Inamin ni Duque na apektado ng isyu ang immunization program ngayon ng DoH dahil bumaba ang mga nais magpabakuna na maaring makapigil sa iba’t ibang uri ng sakit.
Kabilang sa iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia vaccine kung saan nasa 830,000 na mga bata ang nabigyan ng bakuna.
Umabot naman sa tatlo ang oppositors ni Duque na kinabibilangan nina Dr. Nestor Dizon Jr., Anti-Trapo Movement of the Philippines chairperson Leon Peralta at Dr. David Harold Gosiengfiao.
Itinalaga ni Pangulong Duterte si Duque matapos hindi makapasa sa CA si dating Health sec. Pauline Ubial.
Nagsilbi na rin si Duque bilang DoH secretary sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
- Latest