Umento sa sahod ng mga guro sa 2020 pa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahanap siya ng paraan upang maitaas ang sahod ng mga guro sa 2020.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque Jr. na napag-usapan ito sa Cabinet meeting kung saan inatasan ni Duterte na solusyonan ang hinihingi ng mga guro.

“Also in the Cabinet meeting, the entire Cabinet reaffirmed the President’s directive,” sabi ni Roque.

Aniya tatapusin muna ang isa na lang bahagi ng Salary Standardization Law bago ipatupad ang pangako ng pangulo.

“The rationale for this is the last tranche… under the SSL will be implemented in 2019,” paliwanag nj Roque.

“Now, the effort is not just to look for ways and means to increase the salary of all public school teachers, it is also to increase the salaries of all workers in the public sector. So it’s teachers and the public sector,” patuloy ng tagapagsalita.

Umugong ang panawagan sa umento sa sahod ng mga guro matapos taasan ang sweldo ng mga pulis at militar.

Nauna nang sinabi ni Department of Budget and Management na hindi prioridad ng gobyerno ang umento sa sahod ng mga guro dahil bilyun-bilyon ang kakailanganin dito.

Show comments