^

Bansa

Garin kinuyog ng mga galit na magulang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Garin kinuyog ng  mga galit na magulang

Pasado alas-4 ng hapon ng bigla na lamang sugurin ng mga nanay si Garin habang papasakay ng elevator sa lobby ng South wing annex sa Batasan complex.  Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Sinugod at pinagmumura ng mga galit na galit na mga nanay si dating health secretary Janet Garin matapos ang pagdinig ng Kamara sa isyu ng kontrobersiyal na Dengvaxia.

Pasado alas-4 ng hapon ng bigla na lamang sugurin ng mga nanay si Garin habang papasakay ng elevator sa lobby ng South wing annex sa Batasan complex.

Mabilis na nakasakay ng elevator si Garin kaya pinagsisipa ng mga galit na galit na nanay ang pintuan ng elevator at pinagmumura ang kalihim.

Ayon sa mga naghihisterikal na nanay, walang namatay sa kanilang mga anak kahit na nabakunahan ito ng  tatlong shot ng dengvaxia.

Subalit matapos umanong mabakunahan ang kanilang anak ay laging may lagnat at sipon ang mga ito.

Dahil dito kaya nanawagan ang mga magulang sa gobyerno na kung mayroon silang injection na pangontra sa dengvaxia ay ibigay na ito sa mga bata at huwag nang hintayin pa may mangyaring masama sa mga bata.

Tigilan na rin umano ang imbestigasyon ng kongreso sa nasabing isyu dahil wala naman umanong nangyayari dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with