‘Oplan Tokhang’, giit palitan ng pangalan
MANILA, Philippines — Hinikayat ng ilang kongresista ang Philippine National Police (PNP) na palitan ang pangalan ng kanilang drug operation na ‘Oplan Tokhang’.
Ayon kay Ako Bicol partylist Alfredo Garbin na dapat palitan na ang salitang ‘tokhang’ dahil nakakakabit na dito ang brutality, pagpatay at human rights violations at masama na rin ang imahe nito sa international community.
Giit pa ni Garbin, na sa pagbabago ng adbokasiya ng PNP dahil sa panibagong drug operations ay dapat baguhin na rin ang pangalan nito.
Suhestyon pa ng kongresista, bakit hindi na lamang gawin “Oplan Limpya” na ang ibig sabihin ay “to clean”.
Kahalintulad din umano ito ng intensiyon ng administrasyong Duterte na linisin ang mga kalsada sa Pilipinas mula sa illegal na droga.
Para naman kay Quezon Rep. Danilo Suarez na mahigpit na ipatupad ng PNP ang ‘one strike policy’ sa mga chief of police, provincial at regional director na mahuhuli na mayroon silang miyembro na sangkot sa illegal na droga.
Giit pa ni Suarez kahit anong terminong gamitin ng PNP para sa kanilang drug operations maging ito man “Oplan tumba”, o Oplan Timbog” basta palitan na lamang ang pangalan ng ‘Oplan Tokhang’.
- Latest