Bantay-presyo sa bigas ikinasa ng NFA

Ito ayon kay Aquino ay upang matiyak na walang magaganap na pagtaas sa halaga ng produktong bigas sa bansa dahil sa Train Law.   Michael Varcas

MANILA, Philippines —  Inatasan ni National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino ang lahat ng NFA field officials nito sa buong bansa na magsagawa ng “round the clock” na pagbabantay sa presyo ng bigas sa mga pamilihan at palengke nationwide.

Ito ayon kay Aquino ay upang matiyak na walang magaganap na pagtaas sa halaga ng produktong bigas sa bansa dahil sa Train Law.

“I have instructed our market monitoring teams to quickly spot any unwarranted increase in rice prices,” pahayag ni Aquino.

Sinabi ni Aquino na labag sa batas ang overpricing, profiteering at hoarding ng bigas at tiniyak nito na makakasuhan at mananagot ang mga negos­yante na mananamantala. 

 Kaugnay nito, kakausapin ni Aquino ang mga lider ng grains business upang hingin ang tulong na bantayan ang kanilang hanay  at walang magsasamantala sa presyuhan ng bigas.

 “There are many rice varieties being sold in the market classified as regular-milled, well-milled, premium, special and fancy. But the most sale­able among ordinary consu­mers are the regular and well-milled varieties that the NFA also sells at lower prices to provide an alternative for the poor and low-income consu­mers,” dagdag ni Aquino.

 Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang presyo ng regular-milled at well-milled rice ay tumataas ng mula  P1 hanggang P2 kada kilo sa pagitan ng buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.  Pero ayon sa NFA kung ikukumpara ang presyo ng well-milled rice at premium rice sa unang dalawang linggo ng Enero 2018 ay pumapalo lamang ito ng  P42.37 kada kilo sa buong bansa at P41 kada kilo sa  Metro Manila na mas mababa pa ito sa P43.11 at P43/kg ng well milled rice at premium rice noong 2015.

 Tiniyak naman ni Aquino sa publiko na magiging sapat ang suplay ng bigas sa bansa na abot kaya ng masang Pilipino.

Show comments