^

Bansa

Pag-alburoto ng Bulkang Mayon humina

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pag-alburoto ng  Bulkang Mayon humina

Sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala lamang ng apat na episodes ng “sporadic lava fountaining” ang bulkang Mayon na mas mababa kaysa sa dating pito hanggang 10 na lava fountaining noong nagdaang araw. File

MANILA, Philippines — Pansamantalang humina ang mga aktibidades na naitala sa bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala lamang ng apat na episodes ng “sporadic lava fountaining” ang bulkang Mayon na mas mababa kaysa sa dating pito hanggang 10 na lava fountaining noong nagdaang araw. 

Ang naganap na pag-agos ng lava, nasa 36-57 minuto ay dumaan sa  Mi-isi at Bonga Gullies na sinundan ng pagbagsak ng maiinit na bato mula sa summit area ng bulkan.

Nakapagtala rin ang bulkan ng kabuuang 41 volcanic earthquakes, 6 tremor events na ang apat dito ay sinabayan ng lava fountaining events, at 16 rockfall events.

May 1,916 tonelada ng asupre kada araw ang nailuluwa ng bulkan.

Sa kabila nito, nananatili sa alert level 4 ang sitwasyon sa Bulkang Mayon. Patuloy na pinagbabawalan ang sinuman na pumasok sa 9 kilometer radius danger zone.

Gayunman, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na dapat pa ring doblehin ang pag-iingat ng publiko kahit na ganito ang aktibidad ng bulkan dahil ang kalimitang pananahimk ng bulkan ay kadalasang may kasunod na matinding pagsabog.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with