Pagdami ng mga aktibidades ng bulkang Mayon, patuloy
MANILA, Philippines — Patuloy ang nararanasang mga aktibidades ng Bulkang Mayon sa Bicol.
Sa nakalipas na 24 oras, ang naturang bulkan ay nakapagtala ng 15 volcanic earthquakes at mahihinang pagsabog sa pagitan ng tatlo hanggang limang oras.
Nakapagtala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng may 150-500 metro ang layo ng lava fountaining at ash flumes na may 500 metro hanggang tatlong kilometro sa bunganga ng naturang bulkan na tumagal ng ?may 26-57 minuto.
Patuloy din ang pagbagsak ng maiinit na bato mula bulkan at isang pyroclastic density current generation dahil sa pagbagsak ng lava.
Patuloy pa ring ipinaiiral ang 8 kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan habang nananatiling nasa alert level 4 ang status ng Mayon.
- Latest