Medical, death expenses sa biktima ng Dengvaxia sasagutin ng Sanofi
MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon, nangako kahapon ang kinatawan ng Sanofi Pasteur na sasagutin ang medical expenses at maging ang gastusin sa pagpapalibing kung mapapatunayan na ang sanhi ng sakit o pagkamatay dahil sa Dengvaxia vaccine.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, sinabi ni Sanofi Asia Pacific Thomas Triomphe na mayroon mataas na pamantayan ang kanilang kompanya at kung magkakaroon ng kaso kabilang na ang pagkamatay na mapapatunayang may kaugnayan sa Dengvaxia ay kanilang sasagutin.
“We have high ethics and obviously, should there be any case related to vaccination, be death or any other case, we will shoulder the cost if there is any casuality that has been demonstrated by scientific evidence,” pahayag ni Triomphe.
Sa tanong ni Senator Risa Hontiveros sa Sanofi kung nakahanda ba silang sagutin ang medical expenses ng mga bata na mapapatunayan ng Department of Health na nagkaroon ng mas malalang kaso ng dengue dahil sa bakuna, sinabi ni Triomphe na kanilang aakuin ito.
“I’m saying that we will shoulder the cost of any death or other event that is casually related to the vaccination,” sagot naman ni Triomphe.
Humarap din sa pagdinig ang ilang magulang na may mga anak na naturukan ng Dengvaxia kahit hindi pa nagkakaroon ng dengue.
- Latest