^

Bansa

Taas sahod ng guro sa 2020 pa

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Taas sahod ng guro sa 2020 pa

Sinabi ni DBM Sec. Benjamin Dioknio, kailangang ipatupad muna nila ang Salary Standardization Law (SSL) na ina­prubahan ng Kongreso bago sila makapagba­langkas ng bagong sa­lary increase sa mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa. FIle

MANILA, Philippines — Maghihintay pa ng taong 2020 ang mga guro para mabalangkas ng Department of Budget and Management (DBM) ang magiging salary increase ng mga ito.

Sinabi ni DBM Sec. Benjamin Dioknio, kailangang ipatupad muna nila ang Salary Standardization Law (SSL) na ina­prubahan ng Kongreso bago sila makapagba­langkas ng bagong sa­lary increase sa mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Diokno, hindi sila pwedeng mag-overspending sa halagang inaprubahan lamang ng Kongreso na nakasaad sa SSL.

Paliwanag pa ni Diok­no, may apat na yugto ang SSL at nasa ikatlong yugto pa lamang sa taong ito kaya may natitira pang isang taon ng pagpapatupad nito hanggang 2019.

Kung tutuusin anya sa ilalim ng SSL ay may sa­lary increase ng ipagkakaloob sa mga guro bukod pa ito sa karagdagang take home pay nila dahil sa Tax Reform Acceleration and Inclusion Law (TRAIN).

Ayon kay Diokno, magko-komisyon ang DBM ng isang independent firm para pag-aralan kung magkanong halaga ang dapat  itaas sa sweldo ng mga guro at iba pang government personnel upang hindi naman sila malayo sa tinatanggap na sweldo ng mga doctor, nurse, abogado at iba pa.

Sa kasalukuyan, nakakapag-uuwi ang isang public school teacher 1 sa entry level ng buwanang sweldo na P20,179 sa ilalim ng salary grade 11 ng ikatlong yugto ng SSL, habang ang kaniyang taunang bonus at allowances ay may kabuuang 74,358.

DBM SEC. BENJAMIN DIOKNIO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM)

SALARY INCREASE

SALARY STANDARDIZATION LAW (SSL)

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with