PCSO Chairman Corpuz nagbitiw
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jose Jorge Elizalde Corpuz.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa resignation letter ni Corpuz ay isyu ng kalusugan ang kanyang dahilan ng pagbibitiw.
Ayon kay Roque, irrevocable ang resignation ni Corpuz kaya epektibo na ang paglisan nito sa posisyon.
Nilinaw naman ni Roque na hindi si Corpuz ang government-owned and controlled corporation (GOCC) chairman na nakatakdang sibakin ni Pangulong Duterte dahil sa korapsyon.
“This is to announce that Mr. Jose Jorge Elizalde Corpuz has resigned as Chairman and Member, Board of Directors, Philippine Charity Sweepstakes Office due to health reasons. Mr. Corpuz, for the information of everyone, is not the person whom the President said he will fire for corruption,” ani Sec. Roque.
Si Corpuz ay isang bemedalled general ng Philippine National Police (PNP).
Miyembro siya ng Philippine Military Academy Sandigan Class of 1982.
Nagsilbi siya sa PNP ng mahigit sa 37 taon kung saan umabot siya sa ranggo na police director o two star general bago siya nagretiro noong taong 2016.
Samantala, sinabi naman ni PCSO General Manager Alexander Balutan noong nakaraang taon na magbibitiw siya sa kanyang puwesto sa sandaling si Sandra Cam ang naupong chairman ng PCSO kapalit ni Corpuz.
- Latest