^

Bansa

Pinansiyal na tulong sa mahihirap madaliin – Bam

Pilipino Star Ngayon
Pinansiyal na tulong sa mahihirap madaliin – Bam

MANILA, Philippines – Inullit ni Senador Bam Aquino ang panawagan sa pamahalaan na madaliin ang pagpapatupad ng cash transfer program para tulungan ang 10 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino na kayanin ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) sa presyo ng bilihin at serbisyo.

"Kung talagang seryoso tayong gawing positibo ang epekto ng TRAIN sa ekonomiya at sa lahat ng kababayan natin, itong programang ito na tutulong sa 10 million Filipinos - 10 million Filipino families, should be in place at the soonest possible time," wika ni Aquino sa isang panayam sa telebisyon.

Sinabi ni Aquino na kasama sa 2018 budget ang ponding kakailanganin para sa cash transfer program.

"Hopefully, the Departments of Social Welfare and Development and Department of Finance will speed up the process. Sana huwag nang patagalin ang programang ito, gawin nila as fast as they can, and as efficiently as possible," giit ng senador.

Batay sa rekomendasyon ng DOF, itinakda ng batas ang pagbibigay ng P200 buwanang pinansiyal na tulong sa unang taon at P300 kada buwan sa ikalawa at ikatlong taon upang mabalanse ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Nanawagan din ang senador sa pamahalaan na maging malinaw sa pagpili at pamamahagi ng the cash transfer program.

"Aside from ensuring that it will be implemented at the soonest possible time, the government must conduct its rollout without any political patronage or accommodation.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with