MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ng Social Security System (SSS) na walang ipatutupad na pagtataas ng monthly contribution sa mga miyembro nito ngayong Enero 2018.
Ito ang tiniyak kahapon ni SSS Chairman Amado Valdez bilang reaksyon sa mga ulat na nagpatupad na ang SSS nang pagtaas ng members contribution sa buong bansa.
Ayon kay Valdez, nananatiling nasa 11 porsyento ang kasalukuyang rate ng kontribusyon at hindi nagbabago. Aniya, wala silang naitaas na kontribusyon pero ginagawa ang lahat upang mapabuti naman ang benepisyung tatanggapin ng bawat miembro.
“While there is a need for the increase in the rate of contribution, the necessity for such is geared towards meaningful benefits for SSS members and pensioners,” pahayag ni Valdez.
Bahagi aniya ng reform agenda ng SSS ay maitaas ang maximum salary credit ng mga miyembro na mula P16,000 ay gagawing P20,000.
“These reforms are responses to its members’ clamor for increased benefits and higher pension in the future.” Sabi pa ni valdez.