Sahod ng mga guro sunod na itataas
MANILA, Philippines — Matapos ang mga sundalo at pulis, inanunsyo kahapon ng Malacañang na sunod na magkakaroon ng pagtataas sa kanilang sahod ang mga guro sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay mapapaloob sa ikalawang tax reform package na balak ipasa ng administrasyon sa unang bahagi ng 2018.
“The President did not say how much the increase of the teacher’s salary but he said it should be done in second tax reform package,” sabi ni Roque.
Inihayag ni Roque na sa Cabinet meeting, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) at iba pang ahensya ng pamahalaan na hanapan ng paraan para maisakatuparan ang nasabing salary increase ng mga guro.
Samantala, sinabi rin ni Roque na naghahanap ng P50 bilyong budget si Pangulong Duterte na magagamit para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
- Latest