Diño inilipat sa DILG

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nilagdaan ang appointment paper ni Diño kahapon.

Matapos mapatalsik sa SBMA, inihayag ni Diño nitong Setyembre na ililipat siya sa DILG bilang undersecretary for barangay affairs na kaagad namang pinabulaanan ng Palasyo.

Natanggal si Diño sa SBMA matapos ilagay ni Duterte ang abogadong si Wilma Eisma bilang chairperson at administrator noong Disyembre 2016.

Nagkaroon ng agawan ng kapangyarihan sa pagitan nina Diño at Eisma.

Si Diño ang presidential candidate ng PDP-Laban bago siya pinalitan ni Duterte.

Show comments