^

Bansa

69 pulis dawit sa ibat-ibang kaso sisibakin na sa serbisyo – Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
69 pulis dawit sa ibat-ibang kaso sisibakin na sa serbisyo – Bato
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na ilalabas ngayong Enero ng National Police Commission ang hatol sa kaso ng 69 pulis na ipinatatanggal sa puwesto.
File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 69 pulis na nahaharap sa ibat-ibang kasong kriminal kabilang na ang pagkakasangkot sa droga at extortion ang  nakahanay na masibak sa serbisyo ngayong buwan kaugnay ng puspusang ‘internal cleansing’ o paglilinis  laban sa mga scalawags sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inanunsyo kahapon ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa press briefing sa Camp Crame.

Sinabi ni dela Rosa na ilalabas ngayong Enero ng National  Police Commission (NAPOLCOM) ang hatol  sa kaso ng 69 pulis na ipinatatanggal sa puwesto.

“He (NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao ) promised Malacañang that the resolutions of these 69 police officers will be submitted for  the approval by the President”, ani dela Rosa.

“Before the end of the month dahil inobserve nga natin pro­perly yung due process dahil may minimum number of days, hindi pwede yung issue ka lang  ng orders kaagad na dismissed kayo kung walang due process makakabalik kaagad agad”, paliwanag pa ng Chief PNP.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa serbisyo ang  lahat ng mga police scalawags kabilang umano ang  may ranggong Police Superintendents,  kaya  ayon kay dela Rosa ay agad itong isinailalim sa ‘summary dismissal proceedings’ at paglilitis ng NAPOLCOM.

Inihayag ni dela Rosa na tinatapos na ng NAPOLCOM ang pagresolba sa kaso upang maisumite sa palasyo ng Malacañang at maisapinal ang desisyon.

Samantalang ang pinakamataas na ranggo sa nasabing bilang ng mga pulis na masisibak ay may ranggong Senior Superindent.

RONALD DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with