MANILA, Philippines — Mayorya sa mga Pinoy ang kumbinsido na mas magaling na naging Pangulo ng Pilipinas si President Rodrigo Duterte kumpara sa mga nagdaang administrasyon.
Ito ay batay sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa mula December 8, 2017 hanggang December. 16, 2017 o may 70 percent ng mamamayan ang naniniwalang mas mahusay ang naging performance ni Duterte kaysa sa nagdaang administrasyon. Lumalabas din sa survey na may 8 percent lamang ang nagsabing magaling si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pamamahala sa ating bansa.
Tinanong ng SWS ang mga respondents ng: Kung ikukumpara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula Hulyo 2016 sa pagganap ni dating Pangulong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2016, masasabi n’yo ba na na mas magaling si Duterte, pareho lang, o mas magaling si PNoy?
Pintumput-tatlong porsyento ang pinakamataas na approval rating ang nakuha ni Durerte mula sa Metro Manila.
Nakakuha naman si Duterte ng 63 percent approval rating mula sa Luzon, 64 percent sa Visayas at 86 percent sa Mindanao samantalang 10 percent ang nakuhang approval rating ni Aquino sa naturang survey mula sa Metro Manila.
Nakasaad din sa survey na 69 percent ng mga Pinoy ay naniniwala na ang mga aksyon ni Digong ay akma sa kanyang tungkulin bilang Pangulo ng ating bansa. Ito ay mula sa katanungang “Sa kabuuan, ang mga kilos ba ni Pangulong Duterte ay angkop o hindi angkop sa isang Pangulo?
Labintatlong porsiyento naman ng mga respondents ay undecided samantalang 18 percent ang nagsabing ‘inappropriate’ ang mga naging aksyon ni Duterte.
Ilan sa nakapagbigay ng malaking puntos sa naging performance ni Pangulong Duterte ay ang mahusay na kampanya laban sa droga at ang kampanya laban sa korapsiyon sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.