^

Bansa

Court decision ng US sa human rights victims di puwedeng ipatupad sa Pinas - CA

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinanindigan ng Court of Appeals (CA) ang nauna nitong desisyon na hindi maaring ipatupad sa Pilipinas ang desisyon ng hukuman sa Hawaii sa Estados Unidos noong 1995 na nag-aatas na mabayaran ng dalawang bilyong dolyar na danyos ang libu-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong rehimeng Marcos.

Ito ay makaraang ibasura ng CA Former 12th  Division ang motion for reconsideration na inihain ng mga human rights victim sa pangunguna ni retired Judge Priscilla  Mijares, Dating Commission on Human Rights Chairperson Loreta Ann Rosales, Film Director Joel Lamangan, Hilda Narciso at Mariano Dimaranan na kumakatawan sa mga claimant sa MDL 840.

Ang MDL 840 ay ang docket number na ibinigay sa class suit na inihain sa Estados Unidos sa pamamagitan ng Alien Tort Statute kung saan noong February 3, 1995 ay nagpalabas ng desis­yon si Hawaii District Court Judge Manuel Real na naggagawad ng $1.96 billion pabor sa mga nagsulong ng reklamo.

Ang nasabing desis­yon ng Hawaii Court ay pinagtibay ng US Court of Appeals noong December 17, 1996.

Sa tatlong pahinang desisyon na ininulat ni Associate Justice Normandie Pizarro, tinukoy ng CA na nabigo ang Hawaii court na bigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa tukoy na mga claimant para sa “full rehabilitative potential litigation” at hindi rin nabigyan ng pagkakataon ang Marcos Estate na makompronta ang bawat claimant.

Tinukoy ng CA na ang desisyon ng Hawaii Court ay hindi “binding” o hindi maaring ipatupad sa Pilipinas dahil nalabag ang “right to due process” ng parehong panig.

Pinagtibay lamang ng CA ang nauna nang desis­yon ng Makati Regional Trial Court na hindi maa­ring pairalin sa Pilipinas ang Hawaii Court judgement dahil sa kawalan ng hurisdiksyon at paglabag sa due process.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with