2 pang pres’l appointees namemeligrong masibak

MANILA, Philippines — Dalawa pang Presidential appointee ang namemeligrong masibak sa kanilang mga puwesto at matulad sa sinapit ni Marina administrator Marcial Amaro III.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong dalawang na­kabinbing reklamo sa tanggapan ng Presidential Management Staff (PMS) laban sa 2 presidential appointees.

Hindi naman idinetalye ni Roque kung may kinalaman rin sa biyahe ang reklamong sinisiyasat na ng PMS at ang tangi lamang naging pahayag nito hinggil sa nilalaman ng complaint ay may nangyaring pa­nanamantala.

Idinagdag pa ni Ro­que, marami pa ang susunod na mga sisibakin sa ibat ibang government positions.

Pero bukod sa dalawang complaint na under scrutiny ng PMS, hindi na nagbigay pa ng dagdag impormasyon si Roque sa ilan pang mga opisyal ng pamahalaan na nasa balag ng alanganin at napabilang sa humahabang listahan ng mga na-evict sa team ng Duterte Administration.   

Magugunita na naunang sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa mga foreign trips ng mga ito sina PCUP chairman Terry Ridon at Development Academy of the Philippines chairperson Elba Cruz.

“Kapag ikaw ay grabe-grabe na magbiyahe ‘no. So, I guess reflected na rin iyan kung paano iyong perspektibo mo sa pa­nunungkulan sa gobyerno ‘no. At ang bibliya naman ng Presidente iyong ating Saligang Batas dapat eh—public service is a public trust, kinakaila­ngan simple ang buhay at si­yempre iyong mga batas na umiiral laban sa anti-graft,” sabi  pa ni Roque.

Show comments