^

Bansa

P17 B pinsala sa Marawi siege

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
P17 B pinsala sa Marawi siege
Pinayuhan din ang mga residente na huwag munang pasukin ang ground zero dahil marami pang bomba na hindi sumabog ang hinahanap pa din ng mga awtoridad.
File

MANILA, Philippines — Umabot sa P17 bil­yon ang naging pinsala sa property at opportunity lost sa Marawi siege, ayon kay Task Force Bangon Marawi chief Eduardo del Rosario.

Sinabi ni del Rosario, P11 bilyon na halaga ng property ang nawasak habang P6.6 bil­yon namang halaga ng economic opportunities ang nawala dahil sa nangyaring kaguluhan sa lungsod ng lusubin ng Maute-ISIS group ang Islamic City noong Mayo 2017 na nagbunsod kay Pangulong Duterte upang ideklara ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay PCOO Asec. Ana Marie Banaag, aabot sa P49.8 bilyon ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Winika pa ni del Rosario, may 5 developers ang nagpahayag ng interes para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Pinayuhan din ang mga residente na huwag munang pasukin ang ground zero dahil marami pang bomba na hindi sumabog ang hinahanap pa din ng mga awtoridad.

EDUARDO DEL ROSARIO

MARAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with