150 pamilya nasunugan sa Maynila

Nagtutulung-tulong na rin maging ang mga residente na buhusan ng tubig ang nasusunog nilang mga bahay sa Sampaloc, Maynila kahapon. Tinatayang aabot sa 150 pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot ng 3rd alarm. Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nawalan ng tahanan ang nasa 150 pamilya na residente ng 50 kabahayan na natupok sa naganap na sunog sa  Brgy.  401 sa Galicia St., Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Mabilis na umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula alas -11:50 ng umaga at naideklarang fire under control ala -1:30 ng hapon.

Sinabi ni Manila Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Inspector Crossib Cante na karamihan sa  mga kabahayan ay yari sa light materials   kaya mabilis ang paggapang ng apoy.

Tinatayang nasa P100-libo ang pinsala ng sunog habang  patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan nito. Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang bumbero.

Show comments