^

Bansa

Walang ‘extra-ordinary threat’ sa Pista ng Nazareno

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Walang âextra-ordinary threatâ sa Pista ng Nazareno

Pista ng Black Nazarene. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Walang “extra-ordinary threat” sa nakatakdang Pista ng Black Nazarene sa darating na Enero 9, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“Well, I don’t think there’s any extraordinary threat ‘no. We will exercise the same kind of diligence that we have done in the past,” wika ni Roque.

Aniya, magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang pulisya kaugnay sa darating na Pista ng Nazareno sa Enero 9.

“This is already the second Nazareno for this administration and we know how to maintain peace and order in the Nazareno festivities,” dagdag pa ni Roque.

Idinagdag pa ng presidential spokesman, wala pa namang rekomendasyon ang pulisya at iba pang law enforcement agencies upang magpatupad ng signal jammer kaugnay ng darating na Pista ng Black Nazarene sa Quiapo, Manila sa darating na Enero 9.

Magugunita na inanunsyo na ng PNP-NCRPO na magpapakalat ito ng 5,000 pulis upang magpatupad ng seguridad sa Kapistahan ng Nazareno.

Tinatayang aabot sa 5,000 bilang ng pulis ang idi-deploy sa lungsod ng Maynila upang tiyakin ang seguridad sa nalalapit na pista ng Itim na Nazareno sa susunod na Martes (Enero 9) alinsu­nod na rin sa patuloy na nasa full alert status ang buong pu­wersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Related video:

NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with