MANILA, Philippines — Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa implementasyon ng tax reform package sa taong ito na umano’y higit na magbabaon pa sa kahirapan ng mga maralita dahil sa inaasahang pagsirit pataas sa presyo ng mga pangunahing mga bilihin at serbisyo simula ngayong buwan.
“This ‘price shock’ would definitely hit the poor the hardest considering that they do not have higher take home pay due to TRAIN but have to shell out more money due to it,” ayon kay Zarate.
Sabi ni Zarate, dahil sa TRAIN sisipa pataas ang presyo ng gasolina sa P2.97/litro, diesel P2.80 /litro at kerosene P3.36 /litro.
Ayon pa kay Zarate, magkakaroon ng malaking domino effect sa mga presyo ng iba pang mga produkto at serbisyo na pinapalala pa ng pagtaas ng VAT.
Ang epekto ng ito ‘price shock’ ay maaaring maging pinsala sa 15,200,000 mahihirap na pamilya at kahit na ang buong ekonomiya.
Umapela naman si Kabayan Rep. Ron Salo kay Energy Sec. Alfonso Cusi na mahigpit na bantayan ang anumang hakbang ng mga oil companies sa pagtataas ng singil sa langis.
Paliwanag ni Salo, kung ang oil stocks na bago pa ang January 1, 2018, hindi dapat payagan ang pagpapataw ng dagdag na singil sa mga oil products dahil ang tax reform ay epektibo lamang dapat sa mga bagong oil supply na darating sa bansa.