MANILA, Philippines — Magpapalabas ng implementing rules ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa ipatutupad na Republic Act (RA) 10963, o ang “Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na epektibo January 1, 2018.
Ang RA 10963 ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte pero may ilang linya nito ang na veto ng chief executive. Ang tungkol sa batas ay maaaring makita ng publiko sa www.bir.gov.ph at www.officialgazette.gov.ph.
Ang TRAIN Law ay na-publish sa mga pahayagan noong December 28, 2017 at magiging epektibo January 1, 2018.
Sa pagpapatupad ng naturang batas simula ngayong taon, ang BIR ay magpapalabas din ng ibat ibang Revenue Regulations (RR) tungkol sa Income Tax, Withholding Tax, Value Added Tax, Excise Tax on Petroleum, Excise Tax on Automobiles, Excise Tax on Mineral Products, Excise Tax on Tobacco, Excise Tax on Sweetened Beverage, Cosmetic Procedures, Estate at Donor’s Tax, Percentage Tax, at Documentary Stamp Tax para sa kapakanan ng mamamayan.
Kasama rito ang ipalalabas na Revenue Memorandum Order (RMO) ng BIR tungkol sa VAT Refund System.Ang ahensiya ay magtatalaga rin ng sistema tungkol sa eSales at eReporting.
Magsasagawa rin ang BIR ng public consultations sa January 11 at 12, 2018 upang tulungan ang mga drafters hinggil sa issuances may kinalaman sa TRAIN Act at internal briefings na isasagawa ng BIR sa January 24 hanggang 26, 2018 para dito.
Muli, hiniling ng BIR sa lahat ng taxpayers at iba pa na basahin at unawaing mabuti ang batas at makiisa sa mga discussions sa mga gagawing public consultations ng BIR para malaman ang kanilang komento, saloobin at mga rekomendasyon para sa maayos na pagpapatupad sa Train Law.