^

Bansa

Biktima ng paputok, pinakamababa sa pagsalubong ng 2018 – DOH

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Biktima ng paputok, pinakamababa sa pagsalubong ng 2018 – DOH

Ipinakikita ni Health Sec. Francisco Duque kasama si East Avenue Medical Center (EAMC) Dr. Emmanuel Bueno (kaliwa) ang kamay ng isang batang lalaki na naputukan ng firecrakers sa pagsalubong ng Bagong Taon, kahapon ng madaling araw. Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinakamababa na sa nakalipas na limang taon ang recorded firecracker injuries sa pagsalubong sa taong 2018.

Ito ang malugod na ibinalita ni Health Sec. Francisco Duque III, na itinuturing niyang tagum­pay ng gobyerno at ilang pribadong sektor sa tulong ng media.

Sa tala ng Department of Health (DOH), 77 porsyento na mas mababa umano ang 191 cases na kanilang nai-rekord mula noong Disyembre 21, 2017.

Nabatid na pinakamarami pa rin sa mga naputukan ay mula sa Metro Manila, na may 115 cases o katumbas ng 60 porsyento. Kasunod dito ang Western Visayas na may 15 cases habang pare-parehong may 13 kaso sa Central Luzon, Calabarzon at Bicol region.

Sa Metro Manila, na­ngunguna ang Maynila na may 63 injuries, sinusundan ng Quezon City na may 14, pangatlo ang Pasig City na may 11 at anim naman mula sa Valenzuela.

Inaasahang madadag­dagan pa ang naturang data, lalo’t ilang report ang hindi nakahabol sa cut off time ng DoH kamakalawa.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with