Mahigit 4,000 pulis idedeploy sa pista ng Itim na Nazareno

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde kaugnay ng ikinasang security measures para matiyak ang seguridad ng makasaysayang okasyon na dinaragsa ng milyong deboto ng Itim na Nazareno. Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 4,000 pulis ang nakatakdang ita­laga ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para mangasiwa sa kaayusan at katahimikan sa papalapit na piyesta ng Itim na Nazareno sa Enero 9.  

Ito ang inihayag kahapon ni NCRPO Chief P/Director Oscar Albayalde kaugnay ng ikinasang security measures para matiyak ang seguridad ng makasaysayang okasyon na dinaragsa ng milyong deboto ng Itim na Nazareno.

 “Sa January 3, meron taong walk thorough sa Traslacion, merong Executive Committee diyan, ang traslacion ay scheduled on January 9”, pahayag ni Albayalde sa PNP Press Corps.

 Sa kasalukuyan, ayon sa NCRPO Director ay kasado na ang seguridad na ipatutupad ng kapulisan para sa piyesta ng Itim na Nazareno na dinudumog ng milyong mga deboto.

 Ayon kay Albayalde sa kasalukuyan ay wala silang natatanggap na banta sa seguridad mula sa mga teroristang grupo pero sa kabila nito ay nakaalerto ang NCRPO.

 “Yes full alert ang NCRPO, hindi namin ibaba ang alerto hanggang hindi natatapos ang traslacion.

 “So far, wala tayong nakukuhang threat with regard to the celebration of the Traslacion but then again hindi tayo puwedeng mag-relaks,” ani Albayalde.

Bukod sa deployment sa ground ay magtatalaga rin ng elite forces ng PNP na pupuwesto sa mga matataas na gusali upang imonitor ang galaw ng mga tao lalo na ang gustong magsabotahe.

Samantala, irerekomenda ni Albayalde kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na ipatupad ang  pagsuspinde sa permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) para sa seguridad sa piyesta ng Nazareno.

Related video:

Show comments