Disyembre 8 nationwide holiday na
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang batas na nagdedeklarang special non-working holiday ang Disyembre 8 para ipagdiwang ng buong bansa ang kapistahan ni Immaculate Conception.
Sa ilalim ng Republic Act 10966, special non-working holiday kada taon ang pagdiriwang ng Immaculate Conception tuwing Disyembre 8.
Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Disyembre 23.
“December 8 of every year is hereby declared a special non-working holiday in the entire country to commemorate the feast of the Immaculate Conception of Mary, the principal patroness of the Philippines,” nakasaad pa sa RA 10966.
Naipasa sa Kamara ang panukalang batas noong May 2, 2017 at sa Senado noong December 11, 2017.
- Latest