^

Bansa

Pulis, tanod na namaril sa Mandaluyong mananagot

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pulis, tanod na namaril sa Mandaluyong mananagot

Sinisiyasat ng SOCO ang bangkay ni Junmar Hayaon nang pagbabarilin ng mga pulis at tanod ang Mitsubishi Adventure na maghahatid sana sa isang ginang sa ospital matapos na mabaril sa unang insidenteng naganap sa Wack-wack, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Joven Cagande

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na mananagot at iimbestigahan ang nangyaring pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga barangay tanod at pulis sa Mandaluyong City kung saan napatay ang dalawang taong sakay ng napagkamalang “getaway car” ng suspek sa naganap na shooting incident.

Ayon sa ulat, isang Jonalyn Ambaan ang nabaril at nasugatan ng isang LPG deli­very man sa Barangay Addition Hills bandang 10:20 kagabi at isinakay sa isang Mitsubishi Adventure ng mga kasamahan para dalhin sa pagamutan.

Pero napagkamalan ng mga barangay tanod na sakay sa nasabing AUV ang suspek sa pa­mamaril kaya nila ito pinaputukan.

Maging ang mga rumespondeng pulis ay nagpaputok din sa nasabing sasakyan matapos sabihin ng mga barangay tanod na sakay doon ang armadong suspek.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lumalabas na sobra ang ginamit na pwersa ng mga police authorities na namaril sa maling mga target.

Ayon kay Sec. Ro­que, dapat lamang na dinis­armahan na at “restricted” na ang mga sangkot na pulis.

Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Police Director Oscar Albayalde na nasa police custody na ang 10 pulis ng Mandaluyong City na sangkot sa pamamaril.

“Matter will be investigated fully even if there appears to be excessive force utilized by police authorities. It’s also proper that policemen involved have been disarmed and their movements restric­ted,” sabi ni Roque.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with