MANILA, Philippines — Pangungunahan ngayong umaga ni Pangulong Duterte ang paggunita sa ika-121 taong kamatayan ni Gat. Jose Rizal sa Luneta Park, Maynila.
Ang tema sa taong ito ng paggunita sa martyrdom ni Dr. Rizal ay “Mabuting kaisipan, susi sa Kaunlaran”.
Mismong si Pangulong Duterte ang mangunguna sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Rizal Monument bandang alas-7:00 ngayong umaga. Mag-aalay din ng bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose Rizal si Pangulong Duterte.
Naroroon din sa okasyon sina Manila Mayor Erap Estrada, AFP Chief Gen. Rey Leonardo Guerrero, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Dr. Rene Escalante ng National Historical Commission, Ludivico Badoy na executive director ng NHCP, PNP chief Ronald dela Rosa, descendants ni Dr. Rizal at Executive Sec. Salvador Medialdea.