LISTAHAN: Paputok, pailaw na ipinagbabawal at pwedeng gamitin
MANILA, Philippines — Sa nalalapit na pagsasara ng 2017, naglabas ang Malacañang ngayong Huwebes ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at pailaw.
Ayon sa Office of the Executive Secretary, ang mga paputok at pailaw na may kargang lalampas sa dalawang gramo o 1.3 kutsarita ng pulbura ay ipinagbabawal ibenta at gamitin.
Ilan din sa mga sikat na paputok na ipinagbabawal ang:
- Piccolo
- Super Lolo
- Whistle Bomb
- Goodbye Earth
- Atomic Big Triangulo
Maaari namang gumamit ng mga mahihinang paputok at pailaw sangayon sa Republic Act No. 7183.
Paputok
- Baby rocket
- Bawang
- Small triangulo
- Pulling of strings
- Paper caps
- El diablo
- Watusi
- Judah’s Belt
- kwitis
Pailaw
- Sparklers
- Lusis
- Fountain
- Jumbo regular and special
- Mabuhay
- Roman candle
- Trompillo
- Airwolf
- Butterfly
Tulad ng ginawa niya sa Davao City, ipinagbawal na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa ang pagpapaputok sa bisa ng Executive Order 28 na nilagdaan niya nitong Hunyo.
Hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon na lamang ng community fireworks display upang maging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.
- Latest