Kontratista ng MRT3 na sinibak muling pinaporma sa bidding

MANILA, Philippines — Matapos na sampahan ng kasong plunder pinayagan pa rin ng Department of Transportation (DOTr) ang dating contractor ng MRT3 na Busan Universal Rail Inc. (BURI) na sumali sa bidding sa mga bagong proyekto ng gobyerno.

Ito ang ibinunyag ni Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) partylst Rep. Jericho Nograles, kung saan matapos na iterminate ang BURI at Edison Development & Construction  ay kwalipikado na naman ito sa bidding ng tatlong pangunahing proyekto ng DOTr.

Ang malala pa umano ayon kay Nograles, ito rin ang mga kumpanya na responsible sa dahilan ng kahihiyan ng MRT 3  ang siyang lone bidder para sa maintenance ng LRT line 2.

“This is shocking! How can the Transportation Secretary Arthur Tugade allow this?  It’s basic common sense that Busan and Edison should have been blacklisted from joining any bidding for any government project especially projects of the DoTr. Iniluwa na nga isusubo pa ulit?” ayon sa kongresista.

Paliwanag ni Nograles, sa ilaim ng RA 9184, ang mga contractor na may “negative slippage” na kahit 15% sa anumang isang proyekto o kahit 10% sa anumang dalawa o higit pang kontrata ay dapat diskuwalipikado na.

Ang negative slippage umano ay maaaring kuwentahin bilang total accomplishment less actual accomplishment at sa kaso ng Busan Transportation Corporation at Edison Development & Constructio Corporation ay kinasuhan sila ng DOTr dahil sa non-performance ng kontrata sa MRT 3 na nagbunsod sa kasong plunder laban sa kanila.

Show comments