MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 250 nurses ang kailangan ngayon sa United Kingdom (UK) at ang job order (JO) nito ay ipinagkatiwala ng pamunuan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Concorde International Human Resource Corporation.
Ang Concorde na may POEA license No. 031-LB-020916-R ay magpapadala ng mga Pinoy nurse para lamang sa mga hospital sa UK.
Ang kuwalipikasyon ng nurse na hinahanap ay dapat nagtapos sa BS Nursing na may balidong lisensya sa PRC, may karanasan ng isang taon sa hospital, at may edad na 25-45.
Ang pasimulang sahod ay 17,000 pound kada taon at kapag nakapasa sa OSCE ay magiging 22,128 pound kada taon.
Ang sino mang interesaadong aplikante ay libre para sa tatlong taong visa, free air fare mula Manila patungo ng UK, dalawang buwang akomodasyon sa pagdating sa UK, libreng OSCE examination, libreng healthcare, immigration, at certificate of sponsorship at iba pa.
Ang mga interesadong aplikante ay maaari umanong magsadya at magsumite ng resume at credential sa head office ng Concorde sa 2nd floor ng APP Bldg sa 2584 A. Bonifacio St., Bangkal, Makati City o kaya ay sa Dagupan City sa 3rd floor ng Ragtime Bldg. No. 6, Perez Blvd; Ilo-ilo branch sa 2nd floor San Jose Bldgaa., Guaco St.,; Bacolod City branch, Door 7, 2nd floor Theresa Bldg., Rizal Locsin St., at Davao City branch sa Unit 6, GGO DMP Bldg., JP Laural Ave.
Babala ng Concorde at ng POEA, mag-ingat sa mga illegal recruiters at mga taong nagpapakilalang konektado sa kanila. Anila, malalaman ang mga illegal recruiters dahil naniningil ng pera sa mga aplikante habang sa Concorde ay “absolutely no fees to be collected”.