^

Bansa

Pailaw imbis na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon – DILG

Pilipino Star Ngayon
Pailaw imbis na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon – DILG

Spectators watch a fireworks display during a New Year's celebration at the Quezon Memorial Circle in suburban Quezon city on Thursday, Jan. 1, 2015. AP/Aaron Favila, file 

MANILA, Philppines – Isang linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok.

Sinabi ni DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy na lahat ng malalakas na paputok na hihigit sa dalawang gramo ng gunpowder ang gamit ay bawal.

Nangunguna sa listahan ang Piccolo na isa sa mga pangunahing sanhi ng firework-related injuries sa bansa. Karamihan ng biktima nito ay mga bata dahil sa dali ng pagbili at paggamit nito na parang pagsisindi lamang ng posporo.

“Bawal po itong ibenta maging sa mga sari-sari store.Maging responsable at maingat po tayo sa ating mga sarili sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon,” wika ni Cuy.

Ipinagbabawal din ang Super Lolo, Whistle Bomb, Goodbye Earth, Atomic Big Triangulo, Judas Belt at ang nakalalasong Watusi.

Sa kabila nito ay maaari pa rin namang gumamit ng pyrotechnics.

“Nais po nating linawin sa publiko na ang mga pinapahintulutang pyrotechnics o ‘pailaw’ ay maaari pong gamitin hindi lamang sa designated community fireworks areas kundi pati na rin sa labas ng inyong tahanan. Sa kabila nito, mariin pa ring pinaaalalahanan ang publiko na maging maingat sa paggamit ng pyrotechnics,” patuloy niya.

Nakasaad sa RA 7183 na tanging baby rocket, bawang, small triangle, pulling of strings, paper caps, el diablo, at kwitis lamang ang maaaring gamitin.

Pwede rin ang sparklers, lusis, fountain, Roman candle, trompillo, airwolf, whistle device at butterfly.

Hinihikayat din ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon na lamang ng community fireworks displays kung saan magtitipon-tipon ang mga residente upang manood ng pailaw.

Nilimitahan ang paggamit ng mga paputok at pailaw ngayong taon sa bisa ng Executive Order No. 28.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with