Baril ng mga pulis ‘di lalagyan ng tape - Bato
Sa pagsalubong ng Bagong Taon
MANILA, Philippines — Hindi na lalagyan ng tape ang muzzle ng mga baril ng mga pulis ngayong darating na pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Bato dela Rosa na tulad ng mga nakaraang taon ay hindi na nila ginawa ang pagte-tape ng muzzle ng baril.
Ito ay dahil wala naman umano silang naranasan noong nakaraang taon na sangkot ang mga pulis sa indisciminate firing.
Dahil dito, posibleng magtuloy tuloy na umano ito ayon sa PNP chief.
Bukod dito ayon naman kay dela Rosa, nire-require naman ang mga pulis na mag-report sa kanilang duty tuwing kapaskuhan kaya naniniwala siya na hindi makakapagpaputok ng baril dahil naka uniporme at naka-duty sila.
Samantala, pinayuhan naman ng PNP chief ang publiko na huwag gumamit ng mga delikadong paputok sa pagsalubong sa bagong taon sa halip gumamit na lamang ng mga paingay tulad ng torotot at tambol para maiwasan ang firecrackers related injuries.
Ayon naman kay PNP Directorate for operations Director Pancratius Cascolan na ang hindi paglalagay ng tape ng muzzle sa mga baril ay nagpapakita lamang ng disiplina ng mga pulis.
- Latest