CPP-NPA nagdeklara rin ng ceasefire

Pero sa ibinabang direktiba ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, 8 araw na unilateral ceasefire ang idineklara nito sa NPA communists mula alas-6 ng gabi sa Disyembre 23 hanggang 6 ng gabi ?sa Dis. 26, 2017 at mula alas-6 ng gabi sa Dis. 30, 2017 hanggang alas-6 ng gabi ng Enero 2, 2018. Noel Celis/AFP, File

MANILA, Philippines — Nagdeklara na rin kahapon ang mga teroris­tang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ng sarili nitong bersyon ng ceasefire na tatagal ng 8 araw kaugnay ng pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kasunod ito ng pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng 10 araw na unilateral ceasefire sa hanay ng NPA.

Pero sa ibinabang direktiba ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, 8 araw na unilateral ceasefire ang idineklara nito sa NPA communists mula alas-6 ng gabi sa Disyembre 23 hanggang 6 ng gabi ?sa Dis. 26, 2017 at mula alas-6 ng gabi sa Dis. 30, 2017 hanggang alas-6 ng gabi ng Enero 2, 2018.

Sa isang press statement, sinabi naman ni Jorge “Ka Oris” Madlos, spokesman ng NPA na ang unilateral ceasefire ay oobserbahan sa Disyembre 23 mula alas-6 ng gabi hanggang Disyembre 26 at mula alas-6 ng gabi sa Dis. 30 hanggang alas-6 ng gabi sa Enero 2, 2018.

“During this period, all NPA units and people’s militias shall cease and desist from carrying out offensive military campaigns and operations against the uniformed armed personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and its paramilitaries, and the Philippine National Police (PNP) of the Government of the Republic of the Philippines,” anang kalatas na ipinakalat ng CPP-NPA communist groups.

Sa kabila nito, inalerto naman ni Ka Oris ang lahat ng kanilang mga NPA fighters na maging alerto sa lahat ng oras sa posibleng pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng kanilang grupo at ng tropa ng mga sundalo.

“Despite the GRP’s own unilateral ceasefire declaration, the CPP and NPA is only too aware of the AFP’s treachery, attacks and deception. As such, all leading organs and branches of the CPP, commands and units of the NPA and people’s militias and revolutionary mass organizations shall closely monitor any hostile actions, provocations or movements being carried out by the enemy armed forces,” giit pa ni Ka Oris.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero sa kabila ng unilateral ceasefire ng NPA ay inatasan niya ang kaniyang mga tauhan na maging handa at umalerto sa lahat ng oras.

“To be on active defense, of course, and to make sure we continue protecting ‘yung mga communities natin,” pahayag ni Guerrero.

Inihayag ng Chief of Staff na asahan na paiigtingin pa ng NPA terrorists ang recruitment sa panahon na umiiral ang unilateral ceasefire ng pamahalaan.

 “So that is expected, they will use itong sinasabi nating space no, itong lull sa hostilities and fighting for them to engage in other activities,” ayon pa kay Guerrero.

Show comments