^

Bansa

‘Anak namin namatay sa Dengvaxia’

Pilipino Star Ngayon
‘Anak namin namatay sa Dengvaxia’

Hawak ng mga magulang ang litrato ng kanilang mga anak na umano’y biktima ng Dengvaxia vaccine nang dumulog kahapon kay PAO chief Atty. Persida-Acosta para magsampa ng reklamo. Edd Gumban
 

Magulang dumulog sa PAO

MANILA, Philippines — Sinisisi ng mga magulang ng nasawing bata sa Bataan ang Dengvaxia matapos mamatay ang kanilang anak sa dengue ilang buwan umano mula nang mabakunahan.

“Marami ang naging biktima ng Dengvaxia at ilan sa kanila ang kinukunan na ng affidavit ng mga abogado ng PAO. Mala­king kasinungalingan ang sinasabi nila na walang biktima ang Dengvaxia na yan. Nakamamatay yan,” ayon kay Public Attorney’s Office chief Persida Acosta.

Sa isang press conference kahapon ay iprinisinta ni Acosta ang mga magulang ng 10-taong gulang na si Anjielica Pestilos at 11-year-old na si Christine Mae De Guzman na namatay sa dengue matapos mabakunahan umano ng unang dengue vaccine.

Sinabi ni Nelson de Guzman, ama ni Christine na wala silang history ng dengue infection makaraang sumakit ang ulo at magkalagnat ang anak noong Oct. 11, 2016.

Namatay ang anak niya sa Bataan General Hospital noong October 15, 2016 makaraang dalhin sa ospital noong October 14.

Nakalagay umano sa death certificate niya na disseminated intravascular coagulopathy o malalang pagdurugo sa loob ng katawan at “dengue severe” ang dalawang dahilan ng pagkamatay

Anya, nabakunahan ang kanyang anak ng unang Dengvaxia shot noong April 2016 nang ilunsad ang vaccination program ng Department of Health (DoH).

Mayroon umano silang dokumento na nagpapatunay na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine ang anak bago nalaman na mayroon itong dengue.

Samantala si Pestilos naman ay namatay noong December 6.

Ani Acosta, inatasan siya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ayudahan ng kanyang opisina ang mga naging biktima ng Dengvaxia dengue vaccine.

Hahawakan naman ng PAO ang kasong kriminal, sibil at administration para sa lahat ng mga biktima ng ibinakunang Dengvaxia na nagkaroon ng injuries, sakit at namatay.

Nalaman na bumuo na ng special team ng abogado para siyang tumanggap ng mga reklamo at mag-imbestiga na rin sa mga naging biktima at magiging biktima pa.

Kasabay nito, hinikayat ni Acosta ang mga biktima na lumantad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Samantala, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, na posibleng sa susunod na taon na nila isampa ang kasong plunder laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang opis­yal na nasa likod ng P3.5 bilyon Dengvaxia deal.

“Ako ang magiging complainant dun sa plunder case, pabayaan muna natin na makapag-holiday si PNoy,” ayon kay Topacio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with