Legarda handang maglingkod sa DSWD
MANILA, Philippines — Inamin ni Sen. Loren Legarda ngayong Lunes na bukas siya sa posibilidad na pangunahan ang Department of Social Welfare and Development kapag natapos na ang kaniyang termino sa 2019.
"Can I say that I am thinking about it?" pahayag ni Legarda sa ANC's Headstart.
Hindi naman kinumpirma ng senadora kung inalok na ito sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya napakaimportante ng DSWD dahil para ito sa kapakanan ng mga Pilipino.
Kasalukuyang hawak ni Undersecretary Emmanuel Leyco ang kagawaran bilang officer-in-charge matapos hindi makalusot si dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo.
Hindi inaprubahan ng makapangyarihan na Commission on Appointments si Taguiwalo.
- Latest