Gadon kinastigo ng Kamara

MANILA, Philippines — Pinatatahimik ng ilang kongresista si Atty. Larry Gadon sa kanyang pagsasalita kung hindi beripikado dahil makakaapekto umano ito sa impeachment proceedings.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice, nakatikim ng sermon mula kay Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin si Gadon sa impeachment hearing ni Supreme Court (SC) chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Garbain na ang pahayag ng abogado na mayroong isang oligarch na magbaba­yad sa mga senador ng P200 milyon na tatayong hukom sa impeachment trial upang mawalang sala si Sereno ay walang basehan.

Giit ng kongresista na kung sa korte ito ginawa ni Gadon ay maaari siyang ma-cite in contempt.

Ipinaalala rin ng mam­babatas na bilang isang abogado ay dapat nitong sundin ang isinasaaad ng Canon of Professional Responsibility na may kaugnayan sa paggalang sa korte.

Hinikayat din ng kongresista ang abogado na humingi ng public apo­logy kung hindi naman beripikado ang kanyang mga alegasyon.

Show comments