MANILA, Philippines — Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbabawal na mag iwan na mag isa sa bata ng walang kasama sa loob ng sasakyan.
Sa ginanap na botohan sa plenaryo, walang tumutol sa House Bill 6570 na iniakda nina Bacoor Cavite Rep. Strike Revilla at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa ilalim ng panukala, na dapat ang mag bantay sa bata sa loob ng sasakyan ay may edad 18 pataas para masiguro ang kaligtasan nila lalo na kung tumatakbo ang makina ng sasakyan at kung ang susi nito ay nakakabit pa sa sasakyan.
Kapag naging ganap na batas, pagmumultahin ng P5,000 ang lalabag dito para sa first offense, P10,000 sa second offense at P50,000 sa third offense at pagkumpiska sa lisensya habang ang mga susunod na paglabag ay may parusang revocatin sa driver’s license.
Inaatasan naman ang Land Transportation Office na maglunsad ng education campaign para magkaroon ng awareness ang publiko sa panganib na dulot sa bata kapag naiiwan sa sasakyan nang walang kasama at ang responsibilidad dito ng bawat pamilya o guardian.